-- Advertisements --

Paulit-ulit na raw naririnig ni Senate President Vicente Sotto III na gawing krimen ang red-tagging na laganap ngayon sa bansa.

Ayon kay Sotto, magsampa na lamang ng kasong libel ang sinomang indibidwal na idinadawit sa red-tagging kahit hindi naman totoo.

Ito ang naging suhestyon ng senador sa muling isinagawang imbestigasyon ng Senado sa di-umano’y ginagawang red-tagging ng mga military officials.

Aniya kung gagawing krimen ang red-tagging ay dapat na ganito rin ang gawin sa narcissistic-tagging at fascist-tagging dahil kasama ito sa kategorya ng libel.

Sa panahon daw na ito ay mahihirapan na ipasa ang panukala hinggil dito.

Hindi naman sang-ayon dito si dating Bayan Muna Rep. Neri Colmenares na ilang beses nang nadawit sa red-tagging. Mayroon daw kasing pagkakaiba ang red-tagging sa iba pang uri ng expression.

Ang red-tagging umano ay ang paggamit ng government funds, public funds at government resources para mang-ipit ng ibang tao. .

Hindi aniya nito kapareho ng lebel ng freedom of expression.