Screenshot 2019 05 21 12 13 25
Sen. Kiko Pangilinan

Napanatili ni Senator Francis Pangilinan ang pagiging pangulo ng Liberal Party.

Ito ang laman ng resolution na inaprubahan ng National Executive Council (NECO) ng partido.

Napili naman bilang secretary-general ng partido si Quezon City Representative Jose Christopher “Kit” Belmonte.

Magugunitang kapwa naghain ng kanilang resoluiton sina Pangilinan at Belmonte matapos ang pagkatalo ng kanilang partido sa katatapos na May 2019 election.

Hindi naman ito tinanggap ni Vice President Leni Robredo bilang over-all chairman ng partido.