-- Advertisements --

Lumiban si Senator Robin Padilla sa pagiging pangulo ng Partido Demokratiko Pilipino Lakas ng Bayan (PDP-Laban).

Sinabi ng senador na nais lamang niyang pagtuunan ng pansin ang trabaho bilang mambabatas lalo na sa nalalapit na pagbubukas ng 20th Congress.

Ipinagmalaki nito na ibinigay niya ang makakakaya para ikampanya ang mga pambato ng partido sa nagdaang Mayo 12, national and local election.

Tiniyak naman niya na magiging tapat pa rin siya sa partido lalo na kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Papalit sa kaniyang puwesto si Davao City Vice Mayor Sebastian “Baste” Duterte na siyang executive vice president ng PDP-Laban.