-- Advertisements --

LAOAG CITY – Inihayag ni Sen. JV Ejercito na walang reklamong inihain laban kay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa sa Senado.

Ito ay matapos hindi nagpakita o dumalo si Sen. Dela Rosa sa anumang sesyon ng Senado sa nakalipas na dalawang buwan.

Sinabi ni Sen. Ejercito na nasa liderato ng Senado ang desisyon kung papayagan siyang pisikal na dumalo o hindi.

Paliwanag niya, malalaman ng buong Senado ang desisyon sa oras na bumalik ang kanilang sesyon sa Enero 26 pagkatapos ng holiday break.

Si Senador Dela Rosa ay hindi dumalo sa anumang sesyon ng Senado mula noong Nobyembre 11, 2025.

Una rito, sinimulan ni Sen. Dela Rosa ang kanyang pagliban matapos ianunsyo ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na naglabas umano ng warrant of arrest ang International Criminal Court laban sa Senador dahil sa kanyang madugong anti-illegal drugs campaign noong Duterte administration.

Samantala, si Sen. Dela Rosa ay dating Philippine National Police Chief na siyang pangunahing tagapagpatupad ng war on drugs.