-- Advertisements --

Naghain ng resolusyon sa Senado si Senator Risa Hontiveros na humihikayat sa Malacañang na suportahan ang international campaign na siyang magpapaluwag sa intellectual property (IP) agreements.

Ang naturang hakbang ay upang tiyakin na magkakaroon ng access ang lahat ng bansa sa mura at epektibong COVID-19 vaccine.

Hindi raw patas na hayaan lamang na magsilbing harang ang mahigpit na IP regulations para makakuha ang lahat ng bakuna na tanging sagot sa kasalukuyang pandemya.

Ayon sa mambabatas, dapat ay magkaisa ang lahat ng developing countries sa panawagan na ito at huwag hayaan na ang mamamayan ng mayayaman at makapangyarihang bansa lamang ang magkakaroon ng access sa gamot.

china loan for covid vaccine access

Batay sa Senate Resolution No. 560, hinihikayat nito ang gobyerno sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs (DFA) na suportahan ang inilatag na proposal ng India at South Africa para sa World Trade Organization (WTO),

Nais kasi ng mga ito na suspendihin ang implementation, application at enforcement ng anomang kaugnay na probisyon sa ilalim naman ng Rrade-Related Aspects of Intellectual Propoerty Rights (TRIPS) para sa COVID-19 vaccine.

Layunin ng TRIPS na tiyaking protektado ang IP ngunit dahil din dito ay naging sobrang mahal ang presyo ng mga bagong develop na damot at medical technology lalo na sa mga developing countries tulad ng Pilipinas.

Nagmistulang balakid daw kasi ang commercial prices ng mga gamot at teknolohiya upang magkaroon ng access ang mga mahihirap na bansa sa mas maayos na health care system.

Dagdag pa ng senador na lubhang nangangailangan ang mga mahihirap na bansa ng pondo para sa kanilang social services at essential expenditures para naman sa mga manggagawa, kalusugan at edukasyon. Kakailanganin din aniya ng mga ito na ire-align ang kanilang budget upang makabili ng gamot.