-- Advertisements --

Inamin ni Philippine Red Cross chairman (PRC), Sen. Richard Gordon, na nagpositibo ito sa COVID-19.

Ayon kay Gordon, asymptomatic naman siya sa mga nakalipas na araw, kaya hindi pa niya nabatid agad na infected na pala siya.

Nabatid na nabakunahan na ang senador bago ito na-detect na positibo sa virus.

Dahil dito, kusa nang nag-isolate ang pinuno ng PRC para maiwasang makahawa sa kaniyang pamilya at mga kasamahan sa trabaho.

“I received word this morning from our molecular laboratory at the @philredcross that my RT-PCR test result has come back POSITIVE. I am feeling slightly under the weather but am exhibiting no other symptoms as of now and my doctor has advised me to rest and isolate at home,” wika ni Gordon.

Panawagan na lamang ng mambabatas, paigtingin pa ang pag-iingat, lalo na ng mga katulad niyang nasa Red Cross at iba pang frontliners, dahil sila ang pangunahing lantad sa nabanggit na sakit.

Maliban kay Gordon, nagpositibo na rin noon ang iba pang mga senador na sina Sens. Sonny Angara, Koko Pimentel, Juan Miguel Zubiri, Ronald Dela Rosa at Ramon “Bong” Revilla Jr.