-- Advertisements --

ILOILO CITY- Iminungkahi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpigil sa political dynasties kung gusto nitong buwagin ang oligarkiya sa Pilipinas.

Ang oligarkiya ay isang uri ng pamahalaan kung saan ang kapangayarihang pampulitika ay karaniwang nakasalalay sa isang maliit na pangkat ng mga piniling tao mula sa isang bahagi ng lipunan.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Drilon, sinabi nito na handa siyang makipagpulong sa administrasyong Duterte upang pag-usapan ang mga batas na dapat palitan upang mabuwag ang oligarkiya at isa na rito ay ang Anti-Dynasty Law.

Sinabi ni Drilon na nararapat ring pagtibayin ang Philippine Competition Law kung saan isa rin sa mga dapat bigyan ng solusyon ay ang monopoliya sa bansa.