Luneta park Rizal manila munument

Sesentro ang kakaibang selebrasyon ng ika-122 taon ng Araw ng Kalayaan o Independence Day bukas sa pagpupugay sa ating mga bagong bayani na nagsisilbi sa bayan ngayong panahon ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic, ang ating mga front liners.

Ayon sa National Parks Development Committee, sa kauna-unahang pagkakataon ay magiging virtual ang gaganaping Independence Day celebration dito sa Luneta Park at limitado lamang ang mga iimbitahang guest sa naturang event.

Mapapanood ang seremonya sa pamamagitan ng live streaming.

Dahil sa limitado lamang ang iimbitahang guest, hinimok naman ng National Parks Development Committee ang lahat ng ating mga kababayan na kumuha ng mga larawan na may hawak na flaglet at sign na may nakalagay na “Thank you, frontliners!”

Sa pamamagitan daw nito, magugunita natin ang ating kalayaan kahit nasa loob tayo ng ating mga tahanan.

Hindi rin daw mapipigil ng pandemic ang mga Pinoy sa selebrasyon ng ating kalayaan na may temang “Kalayaan 2020: Tungo sa Bansang Malaya, Nagbabayanihan, at Ligtas.”

Noong nakaraang taon, sa pagdiriwang ng ika-121 na taon ng Araw ng Kalayaan ay pinangunahan ni Vice President Leni Robredo ang selebrasyon habang mas minabuti ng Pangulong Rodrigo Duterte na bisitahin ang mga sundalo sa Lanao del Sure.

Noong 2017 hindi rin pumunta ang Pangulong Duterte sa Independence Day rites sa Rizal Park at si Robredo rin ang nangina sa flag raising noon.

Noong 2018 ay dumalo naman si Duterte sa Independence Day ceremonies sa Kawit, Cavite at sa kalagitnaan ng talumpati ng Pangulo ay binulabog ito ng mga nagpoprotesta.