Nilinaw ng Department of Justice na magkahiwalay na kaso ang patungkol sa reklamong sedisyon laban kay Vice President Sara Duterte sa kinakaharap nitong ‘impeachment’.
Ayon kay Justice Spokesperson Atty. Polo Martinez, walang magiging epekto ang ‘sedition case’ sa proseso ng pagdinig sa ‘impeachment complaint’ inihain kontra sa ikalawang pangulo.
Aniya’y ang ‘impeachment complaint’ at ‘crminal complaint’ ay magkaiba at hindi parehas ang isinasagawang proseso ng pagdinig.
“None. Magkaiba po ang impeachment complaint sa criminal complaint. They refer to 2 different and distinct proceedings,” ani DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez.
Kung maaalala, sinampahan ng reklamong sedisyon at ‘grave threats’ si Vice President Sara Duterte ng National Bureau of Investigation noong 2025.
Kasunod ito nang hayagan pagbantaan ng bise presidente ang buhay nina Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr, first lady Liza Araneta-Marcos at former House Speaker Martin Romualdez.
Ang kaparehong pahayag ay ginamit bilang isa sa mga batayan sa inihaing impeachment complaint kontra kay VP Sara na kasalukuyang dinidig sa kumite ng kongreso.
Subalit binigyang diin ng DOJ na hindi ito makakaapekto sa kinakaharap na mga reklamo ng ikAlawang pangulo sa kagawaran.
















