CAGAYAN DE ORO CITY – Inalerto ng Security and Exchange Commission (SEC) ang publiko laban sa nagsusulputang investment firms na hindi dumaan sa kanilang tanggapan at nanghihikayat sa publiko kahit walang permit to operate sa iba’t ibang bahagi sa bansa.
Ginawa ni officer-in-charge SEC-10 Atty. Frederick Enopia ang babala kaugnay sa nasa 28 unregistered firms na umano’y kasalukuyang sangkot sa investment solicitations.
Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni Enopia na habang nag-aabiso sila sa publiko na mag-ingat sa papasuking investment taking ay tuloy-tuloy rin ang kanilang imbestigasyon laban sa halos 30 investment firms na nangungumbinsi kahit walang certificate of registrations na pinanghahawakan.
Sinabi ng opisyal na bagama’t karapatan ng kada-indibidwal na mamili kung saang investment ito komportable, dapat na hanapan din nila ng mga lisensiya upang matukoy ang pagiging lehitimo nito.
Ilan sa iniimbestigahan ng SEC ay ang:
Masa Mart Business OPC
iWATCH.ph Corporation
Mers Business Center
Seven Stag International OPC
Royal O Financial Consultancy Services
RGS World Marketing Corp.
Bitaccelerate / Bitaccelerateproject.com
Yumboss Corp.
Bitexpress Security and Commodity Contracts Brokerage
Philhelp Administration of Financial Marketing
Solmax Global Limited and Igniter 100,
Jamsmart
Royal O Consultancy Services OPC
Tradexpert/Tradexpert Technology Information Services
IX Trade / IXTrade
Align Assets
Wonkacash / Wonka Cash App Financial Consultancy Services
R.L. Aggregates and Diversified Lending Group Inc.
Learn and Earn Online
247 Cryptotrading FX Cryptotrade Online
Investrade Marketing / Investrade Digital Marketing Services
Beyond Generations Digital Marketing Services
Cash FX / Cash FX Group / CFX
Big Dreams International and BDI Product Trading OPC
Doors Opportunity Online (DOO) / Door Opportunity Digital Marketing Services
JP Company Online Shop / JP Company Hedge Trading
Infinity Payb / Payb Bills Payment and Remittance Center
Coco-J Funds Corp. and Coco-J Funds Digital Marketing Services
Nabanggit ito ni Enopia kaugnay sa pagkalipat sa jail custody ng Kabus Padatoon (KAPA) founder na si Joel Apolinario mula Caraga region patungo sa Cagayan de Oro City.
Ang KAPA ang pinakahuling “double your money” investment fund scam group na pinadapa ng gobyerno.