Binuweltahan ni Interior and Local Government Sec. Eduardo Año ang mga kritiko ng motorcycle barrier at sinabing hindi sila eksperto sa pandemya.
Ginawa ni Año ang pahayag dito sa Camp Crame matapos tanggapin ang donasyon ng Angkas Group na 1,000 backpack-style motorcycle barrier.
Ayon sa mga kritiko over acting at hindi ligtas gamitin ang barrier shield, tama lang gamitin ang helmet na may Face shield para maka iwas sa pagkahawa sa Covid 19 virus.
” We are in pandemic there is no normal. You have to adopt, dance, manage the virus, very important. The bottomline saving lives. Sabi nila baka raw maka cause ng accident.Try niyo muna gamitin. Sabi nila eh si Sec Ano hindi naman nagmo motor yan. Baka hindi ka pa pinapanganak nauna na akong gumamit ng motorsiklo sa iyo. Matagal na ako na-assign sa intelligence community at noong tinyente, kapitan ako ang number 1 primary mode of transport namin motorsiklokasi kapag nagsusurveillance ka motorsiklo kaya sanay ako mag motor at backride so again pag-aralan niyo muna bago kayo mag comment,” pahayag ni Sec. Año.
Binigyang-diin ni Año may scientific basis ang desisyon ng IATF dahil pinag-aralan nila ang mga CCTV footage ng mga nagmomotor sa daan at nakita nila na malaking bilang ng mga riders ang nagtataas ng Face shield o nagtatanggal ng helmet pag nasa trapik dahil sa init.
Bukod dito, Hindi lang aniya ang Pilipinas ang nag-impose ng barrier requirement sa mga motor kundi maging ang ibang mga bansa tulad ng Indonesia.
” Hindi lang tayo ang gumagamit nito. Nauna pa yung Indonesia at iba pang countries kasi ang virus nag tra travel via airborne at kung malapit yung distansiya mo pwedeng directly to the person,” dagdag pa ni Año.
Ayon kay Año, madaling bumatikos kung hindi ikaw ang responsable para sa kalusugan ng lahat ng mga mamamayan.
Sinisiguro naman ni Año na magbabago ang “perspective” ng mga kritiko tungkol sa mga ipinatutupad na Health protocols kung sila na ang magka-Covid.
” Kahit anong gawin mo meron mag criticize kasi nga malaya naman tayo pero wala naman silang responsibilidad sa pagligtas ng buhay sa Covid kasi wala naman sila sa position.Kailanga diyan responsibility. Sino ba ang merong responsibilidad sa pagliligtas ng ating buhay, ang ating mga health workers, frontliners, local and national governments,” pahayag ni Año.