-- Advertisements --
IMG 20200606 181444

Pinawi ngayon ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang pangamba ng ilang mga seafarers na pansamantalang nawalan ng trabaho dahil pa rin sa epekto ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sinabi ni OWWA Administrator Hans Leo Cacdac na nangako naman ang mga employer na agad iha-hire ang mga seafarers kapag nag-normalize na ang sitwasyon.

Sa ngayon matindi umanong natamaan ang cruise ship industry at nasa 25,000 na ang mga Pinoy na nagtatrabaho sa mga ito ang nakauwi.

Ang mga seafarers maging ang mga stranded na overseas Filipino workers (OFWs) ay napauwi na rin sa pamamagitan ng balik probinsiya program ng pamahalaan.

Una nang sinabi ni Cacdac na mahigit 31,000 na ang mga overseas Filipino workers (OFWs) na napauwi sa kani-kanilang mga probinsiya matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Mula Mayo 25 hanggang Mayo 31 ay kabuuang 25,002 ang mga napauwing stranded OFWs base sa ulat ni Department of Labor and Employment (DOLE).

Mula Hunyo 1 hanggang kahapon naman ay mahigit 6,700 ang napauwi at may kabuuan na lahat na 31,700.