MEGA ATHLETE FEMALE

Tinanghal bilang mga mega athletes ng 30th Southeast Asian Games ang dalawang atleta mula sa Vietnam at Singapore.

Si Singapore’s Zheng Wen ay kinilala bilang Male Mega Athlete dahil sa kanyang nasungkit na anim na gold medals at dalawang silvers mula sa kanyang nilahukang swimming competitions.

Habang tinanghal naman bilang Female Mega Athlete si Nguyen Thi Anh Vien ng Vietnam bunsod din nang natipon na anim na medalyang ginto at dalawang silvers sa swimming events sa Aquatics Center.

Sinasabing ang dalawa ang pinakatanging mga atleta na katumbas ng most valuable award dahil sa ipinakitang galing bilang mga world class athletes.

Ang paggawad ng award ay isinabay sa pagsasara ng SEA Games na isinagawa sa New Clark City Stadium sa Capas, Tarlac.

MEGA ATHLETE

Kasabay din nito ang pagkilala ng mga organizers ng Southeast Asian Games sa kabayanihan ng Pinoy surfer na si Roger Casugay na iniligtas ang kalaban na Indonesian habang nasa kasagsagan ng surfing event sa la Union.

Ang special citation kay Casugay bilang Fair Play Athlete ay kauna-unahan sa kasaysayan ng SEA Games.

roger casugay surfer hero