-- Advertisements --

Bumiyahe na patungong Thailand ang Team Philippines Open Water Swimming contingent.

Ito ay upang sumabak sa nagpapatuloy na Southeast Asian (SEA) Games 2025.

Nakatakda ang laban ng naturang team sa Disyembre 18 hanggang Disyembre 20.

Kabilang sa mga pambato ng bansa sina Alexander Lawrence Chu at Joshua Raphael Del Rio para sa Men’s 10 kilometer (km).

Kakatawanin naman ni Jada Corrine Cruz at Graziella Sophia Ato ang Philippine team para sa Women’s 10 km.

Ang apat na atleta ay magiging bahagi rin ng Mixed Relay team sa naturang torneyo kasunod ng pagkakapili ng Philippine Aquatics, Inc.