Umaasa ang Philippine Tennis Association (PhilTA) na makakapaglaro si Pinay tennis star Alex Eala para sa Philippine contingent sa nalalapit na Southeast Asian Games.
Ayon kay PhilTA Executive Director Tonette Mendoza, nakausap na nila ang 20-anyos na Pinay star at nagpakita rin siya ng interest na makapaglaro kasama ang iba pang tennis player ng bansa.
Nakadepende pa rin aniya ito sa magiging schedule ni Eala, lalo at may iba pang mga turneyo na maaaring salihan ng World No. 65. Pinipilit din aniya ni Eala na makapaglaan ng sapat na oras mula sa kaniyang scedule at commitmment.
Sa ngayon aniya, umaasa ang PhilTA na pagsapit ng SEA Games 2025 ay tuluyan nang magiging bahagi ng Team Philippines si Eala upang pangunahan ang tennis contingent ng bansa.
Kung tuluyang magiging bahagi ng Team Philippines ang Miami Open wild card, may tyansa siyang makuha ang kauna-unahan niyang gintong medalya sa SEAG matapos na malimitahan lamang sa bronze medal noong 2021 Games.
Ayon kay Mendoza, patuloy ang paghahanda ng PhilTA upang makakuha ng impresibong panalo pagsapit ng turneyo.
Nakatakda sa buwan ng Disyembre ang SEAG 2025 na gaganapin sa Thailand.