ROXAS CITY – Arestado ang binansagang FOREX investment scam queen at isang kasamahan nito matapos sinilbihan ng warrant of arrest sa kasong syndicated estafa.

Kinilala ang mga naaresto na sina Lourdes BulaqueƱa Baarde ng Barangay Baybay, Roxas City at Joel Domayan ng Quezon City.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng National Bureau of Investigation (NBI) Manila si Baarde habang hawak naman ng Quezon City Police District police station-10 si Domayan.

Ngayong araw ay nakatakdang dalhin si Baarde sa lalawigan ng Capiz.

Nabatid na sa probinsiya ng Capiz ang court of origin ni Baarde at walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kaso ng investment scam queen.