-- Advertisements --

Papayagan nang makaboto ang mga bilanggo sa local elections.

Kasunod na rin ito nang pagbasura ng Supreme Court (SC) sa petisyon laban sa Commission on Elections (Comelec) Resolution 9371.

Ito ay may kaugnayan sa patakaran at regulasyon ng pagpapadala at pagboto ng mga bilanggo noong May 2013 national at local elections at sa mga susunod pang halalan sa bansa.

Taong 2016 nang naglabas ng temporary restraining order (TRO) ang hukuman na pumapayag na bomoto sa national elections pero hindi naman makakaboto para sa local elections.

Labis namang ikinatuwa ng Comelec ang naging desisyon ng kataas-taasang hukuman.

Ayon kay Comelec Spokesperson John Rex Laudiangco, ito ay daan para sa pagiging pantay-pantay ng lahat para sa pagboto.