-- Advertisements --

Pinag-aaralang pa rin ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) ang mga kandidato para sa naturalization ng Gilas Pilipinas.

Sinabi ni SBP director of operations Butch Antonio, wala pa silang naihahain na panukalang batas para sa naturalization.

Kanilang mahigpit na pinag-aaralan kung sino ang nararapat na maging naturalized player ng national basketball team ng bansa.

Ilan kasi sa mga kandidato ay sina Barangay Ginebra import Justin Brownlee, Ateneo de Manila University payer Ange Kouame ng Ivory Coast at iba pa.

Magdedepende aniya ang mga kandidato sa desisyon rin ng mga coaching staff.

Magugunitang noong Enero ay nagdesisyon si SBP president Al Panlilo na handa na nilang pakawalan si Andray Blatche na naging naturalized player mula 2014 hanggang 2019.