-- Advertisements --

Inilabas na ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) ang listahan ng 20 Gilas Players na sasabak para sa fifth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers sa susunod na buwan.

Nanguna sa listahan si Gilas veteran June Mar Fajardo, Kai Sotto, Scottie Thompson, naturalized player Ange Kouame at apat na Japan-based players sa pamumuno ni Dwight Ramos at Kiefer Ravena.

Kasama rin sa listahan sina Japeth Aguilar, Poy Erram, Jamie Malonzo, Lebron Lopez, Calvin Oftana, CJ Perez, Roger Pogoy, Kevin Quiambao, Carl Tamayo, Arvin Tolentino, Ray Parks, at Thirdy Ravena.

Makakaharap kasi ng Gilas ang Jordan sa Nobyembre 10 habang ang Saudi Arabia naman ay makakalaro nila sa Nobyembre 13.

Bagamat hindi pa tiyak kung makakapaglaro ng 100 porsiyento si Fajardo dahil siya ay inoperahan sa lalamunan noong nakaraang mga linggo.
Magsasagawa naman ng tatlong araw na ensayo ang Gilas mula Oktubre 31 hanggang Nobyembre 2 bilang paghahanda sa nasabing torneo.