-- Advertisements --

Nagpabakuna sa harap ng telebisyon si Saudi Crown Prince Mohammed bin Salman ng unang dose ng COVID-19 vaccine.

Isinagawa mismo ng Saudi Health Ministry ang pagbabakuna kay Salman.

Ang nasabing hakbang ay bilang hudyat ng pagsisimula ng national COVID-19 vaccination plan.

Saudi Crown Prince bin Salman get vaccinated

Kasabay nitong nagpabakuna si Saudi Arabia health minister Tawfiq al-Rabiah.

Magugunitang nitong buwan ay natanggap na ng Saudi ang unang shipment ng COVID-19 vaccine mula Pfizer at BioNTech.

Noong Disyembre 17 din ay sinimulan na nila ang vaccination campaign kung saan ipinapaliwanag nila sa kanilang mamamayan ang kahalagahan ng pagbabakuna.

Magugunitang mayroong 361,903 na kaso ng coronavirus ang naitala sa Saudi Arabia at mayroong 6,168 namatay.

Isa lamang ang Crown Prince sa mga matataas na opisyal ng iba’t-ibang bansa na nagpaturok ng COVID-19 vaccine dahil noong nakaraang linggo ay nauna na si Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu ganun din si US Vice President Mike Pence at President-elect Joe Biden ang nabakunahan na rin.