-- Advertisements --

Atake sa puso o acute myocardial infarction ang ikinamatay ng American singer na si Keith Martin.

Ito ang naging resulta ng otopsiya na inilabas ng mga otoridad sa bangkay ng “Because Of You” singer.

Base sa imbestigasyon ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City, maaaring ilang araw ng nasawi ang 57-anyos.

Huling nakita ang biktima noong Marso 20,2022 sa condominium unit nito sa Quezon City.

Nitong Marso 25 ay nagreklamo ang mga naninirahan sa gusali dahil sa masangsang na amoy.

Wala rin aniyang nakita ang mga otoridad na nagkaroon ng puwersahang pagpasok sa kaniyang condo unit.

Taong 2004 ng pinasikat ng singer ang kantang “Becacuse Of You” kung saan pinili nitong manirahan na lamang sa Pilipinas.

Noong nakaraang taon ay hiniwalayan siya ng kaniyang nobya na isang Filipina.