Binigyang-diin ng Malacañang na tuloy ang Sangley Airport Development Project na nakuha ng China Communications Construction Co. Ltd. (CCCC) at MacroAsia Corp. ang kontrata sa kabila ng pagpapatupad ng Estados Unidos ng sanction sa mga Chinese firms na sangkot sa pagtatayo ng artificial islands sa South China Sea.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, idineklara kagabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na maaaring ipatupad ng US ang blacklisting sa mga Chinese companies sa kanilang mga teritoryo at base militar na nasa ilalim ng kanilang huridiksyon.
Ayon kay Sec. Roque, malinaw ang sinabi ni Pangulong Duterte na tayo susunod sa direktiba ng mga Amerikano dahil malayang bansa ang Pilipinas at kailangan din ang mga namumuhunan galing China.
Una ng inihayag ni Cavite Gov. Jonvic Remulla na handa ang provincial government na ibasura ang deal sa CCCC para sa Sangley airport project kung banta ito sa national security ng Pilipinas.
“The Sangley project will push through. The President declared last night that the Americans ay pupuwede po nilang ipatupad ang blacklisting ng mga Chinese companies sa kanilang teritoryo sa America at sa mga base militar na nasa ilalim ng kanilang jurisdiction,” ani Sec. Roque.
“Malinaw pong sinabi ni President hindi po siya susunod sa direktiba ng mga Amerikano dahil tayo ay malaya at indipendiyenteng bansa at kinakailangan po natin ang mga namumuhunan galing sa bansang Tsina.”