Kinumpirma ng pamunuan ng San Juan City local government na sasailalim sa 14-day self-quarantine si San Juan City Mayor Francis Zamora.

Ito’y matapos mag positibo sa Covid-19 virus ang isa sa mga staff nito.

Tiniyak ng San Juan public affairs office na nasa magandang pangangatawan ang alkalde at walang anumang sintomas na ipinapakita o asymptomatic.

Kahit naka sa self-quarantine si Mayor Zamora titiyakin nito na pangungunahan ang mga day to day operations ng siyudad partikular sa kampanya ng gobyerno para labanan ang Covid-19.

Sa datos ng San Juan City Health Office as of March 27,2020, mayroon ng 73 confimed Covid-19 cases ang siyudad.

Sa nasabing bilang, 10 na dito ang nasawi habang 17 ang nakarekober at discharged na sa hospital.