Screenshot 2020 01 06 21 59 39 66

Tinuldukan na ng Supreme Court (SC) ang isyu ng same sex marriage sa bansa na isinusulong ng abogadong si Atty. Jesus Nicardo Falcis III.

Sa 109 pahinang desisyon, tuluyan nang ibinasura ang petisyon nito para sa same sex marraige.

-- Advertisement --

Iginiit ng kataas-taasang hukuman na walang makabuluhang argumento si Falcis sa kanyang apela para baliktarin ang naunang desisyon ng Korte Suprema na pagbasura sa kanyang petisyon noong Setyembre na kumukuwestiyon sa family code at pagsusulong ng same sex marriage.

Nakasaad din sa pinal na desisyon ng SC en banc na sinulat ni Justice Marvic Leonen na guilty si Falcis sa kasong indirect contempt of court at pinatawan ng P5,000 na multa.

Ang mga kasamahan naman niyang abogado ay kinastigo at pinagsabihan na lamang ng korte.

Mahigpit na binalaan ng SC ang mga petitioners na kapag inulit nila ang contemptous act sa loob ng korte ay mahaharap sila sa mas mabigat na parusa.