Ikalimang nagdeklara ng Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) si Senador Kiko Pangilinan na nagkakahalaga ng P26.7 milyon as of June 30, 2025.
Batay sa certified true copy ng SALN na inilabas ng tanggapan ni Senate Secretary Atty. Renato Bantug Jr., iniulat ni Pangilinan na nagkakahalaga ng P5.8 milyon ang kanyang mga real properties.
Kabilang dito ang apat na agricultural at dalawang residential land, kung saan ang pinakamahal ay isang agricultural land na nagkakahalaga ng P4 milyon.
Samantala, sa kanyang personal na ari-arian, nakasaad ang cash, mga furniture, alahas, sasakyan, at iba pang pag-aari na may kabuuang halagang P20.8 milyon.
Sa parehong dokumento, walang iniulat na pagkakautang o liabilities ang senador.
Nakasaad din sa SALN na may mga interes si Pangilinan bilang shareholder sa dalawang kumpanya — na kapwa nakuha ang interes noong 2017.
Wala namang kamag-anak si Pangilinan na nagtatrabaho sa gobyerno.















