-- Advertisements --

Hinimok ni House Ways and Means Chair at Albay, 2nd district Representative Joey Salceda ang economic team ni Pangulong Bongbong Marcos na “palakasin ang mga pagsisikap para makahabol ang bansa sa mga Foreign Direct Investment (FDI) sa pamamagitan ng pagtanggal sa tinatawag na “low-hanging fruits” sa policy reforms upang maging mas bukas ang bansa sa mga dayuhang pamumuhunan.

Ginawa ni Salceda ang pahayag bilang tugon sa data ng FDI noong buwan ng Agosto na nagpapakita na ang foreign inflows ay bumagal ng 19.2% year-on-year.

Ayon sa economist solon nakamit na ni Pangulong Marcos ang pag-unlad sa agrikultura. Ito ay base sa naitalang aktuwal na positibong paglago sa naturang sektor.

Punto ni Salceda, mahalaga na mapakinabangan ang malakas na pagtaas ng Gross Domestic Product nitong 3rd quarter ng taon.

Hinihikayat din ni Salceda ang economic team partikular sina Secretaries Remulla at Lotilla na gawin na ang final drafts of ammendment sa Renewable Energy Law, upang payagan ang full foreign ownership sa energy generation.

Kailangan ng bansa ang major foreign investment para sa renewable energy sector.

Giit ng mambabatas na ang surplus ng renewable energy ay magbabawas ng power rates sa bansa at siyang magiging lunas sa “oligopolistic price abuses” sa energy market at lalong makapaghikayat ng foreign investments sa ibat ibang sektor gaya sa manufacturing.

Nakikipag-usap na ngayon si Salceda sa mga namumuhunan sa Europa sa renewable energy, kabilang ang Norway.

Aniya ang mga stakeholder na kanyang kinausap ay handa na mamuhunan ng hanggang $10 bilyon renewal enegy program.

Hinimok din ni Salceda ang paglabas ng mas malawak na listahan at diskarte sa ilalim ng Strategic Investment Priorities Plan, ang listahan ng mga pangunahing industriya na karapat-dapat para sa mga insentibo sa buwis sa ilalim ng CREATE Law.

Naniniwala si Salceda na ang imbitasyon kay Pang. Marcos Jr ng China at ng World Economic Forum sa Enero ng susunod na taon ay napakahinog na pagkakataon upang makakuha ng mas maraming investment at protektahan ang foreign reserves ng Pilipinas.