-- Advertisements --

Nagpaalala si Joint Task Force COVID shield commander Police Lt. Gen. Guillermo Eleazar sa publiko na mananatiling iligal ang operasyon ng online sabong hangga’t walang inilalabas na guideline tungkol dito ang Inter-Agency Task Force (IATF).

Ito’y kahit pa pumayag na ang IATF na tanggalin ang ban ng sabong sa mga lugar na nasa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ).

Ginawa ni Eleazar ang naturang pahayag dahil na rin sa mga natatanggap na reports ng Philippine National Police (PNP) sa dumadaming online sabong sa internet.

Hinikayat din nito ang mga operators at manlalaro na hintayin ang ang ilalabas na guidelines ng IATF bagong nila simulan ang kanilang operasyon.

Inatasan na ng JTF COVID Shield ang kanilang police commanders na bantayan 1,200 cockfighting arenas sa posibilidad ng illegal operations tulad ng online sabong.

Noong Marso 17 ng kasalukuyang taon nang pagbawalan ang lahat ng uri ng sabong sa bansa dahil sa banta ng coronavirus pandemic.