-- Advertisements --

Tiniyak ng pamunuan ng National Food Authority na nakahanda itong tumugon sa mga pangangailangan ng mga Local Government Unit partikular na sa paghahatid ng mga bigas na gagamitin ng mga lokal na pamahalaan sa kanilang mga disaster relief operations sa lugar na apektado ng komunidad.

Ito ay may kaugnayan sa mga pag-ulang dala ng nagdaang bagyong Crising at epekto ng habagat.

Sa isang pahayag , sinabi ni NFA Administrator Larry Lacson , mabilis silang nakapagpalabas ng suplay kasunod ng kahilingan ng mga lokal na pamahalaan.

Kinabibilangan ito ng 200 sako ng bigas na inihatid sa Puerto Princesa at 300 sako ng bigas para sa lalawigan ng Palawan.

Paliwanag nito na mas kakaunti ang nag request ng suplay sa NFA dahil sa mabilis na prepositioning ng relief resources ng kanilang ahensya.

Muli rin nitong tiniyak na mayroong sapat ng supply ng bigas ang NFA na magagamit sakaling kailanganin.