-- Advertisements --

Handa ang gobyerno ng Pilipinas na bawasan hanggang tanggalin ang mga taripa sa ilang produkto mula sa Amerika.

Sinabi ni Department of Finance Secretary Ralph Recto, ito ang isa sa mga paraan na naiisip nila bilang kasagutan sa ipinataw na 20 percent na taripa ni US President Donald Trump sa mga produkto ng Pilipinas.

Mayroon din concessions sa mga economic managers na magkaroon ng katanggap-tanggap na kasunduan sa Estados Unidos.

Hindi naman nito binanggit kung anong mga produkto ang maaaring hindi patawan na ng taripa.

Magugunitang nasa US ngayon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr para makipagpulong kay President Trump kung saan isa sa inaasahang tatalakayin ay ang usapin ng taripa.