-- Advertisements --

Inakusahan ng Russia ang US sa pagpasok sa sinasakupan nilang karagatan ng walang paalam.

Naganap ang insidente ng biglang pumasok sa karagatang sakop ng Russia ang USS John S. McCain.

Agad na binalaan ito ng Russian anti-submarine destroyer na Admiral Vinogradov hanggang tuluyang lumayo ang barko ng US.

Ayon naman sa tagapagsalita ng Seventh Fleet ng US Navy na si Lt. Joseph Kelley na walang katotohanan na pinalayas ang barko ng US sa karagatang sakop ng Russia.

Nauna ng nagkaroon ng tensiyon ang dalawang bansa matapos ang labis umanong pagsakop ng Russia sa karagatan ng Sea of Japan.