Lumabas sa findings ng Australian authorities na hindi nagsanay sa Pilipinas ang mga suspek sa Bondi beach massacre noong Disyembre 14, 2025 na kumitil sa 15 katao at ikinasugat ng dose-dosenang indibidwal.
Sa isang statement, kinumpirma at tinanggap ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang naturang impormasyon mula kay Australian Federal Police Commissione Krissy Barrett.
Ayon sa Australian official, walang ebidensiya na nagpapakitang nakatanggap ang mga suspek ng pagsasanay sa kanilang pananatili sa bansa mula Nobiyembre 1 hanggang 29 noong nakalipas na taon o sumailalim sa logistical preparation para sa kanilang isinagawang krimen.
Sinabi rin ng Australian Federal Police Commissioner na walang ebidensiya na nagpapakitang kasapi ang mga suspek sa malaking teroristang grupo o inatasan ng iba na magsagawa ng pag-atake, bagama’t ipinunto ng DFA na subject pa rin ang naturang assessment sa nagpapatuloy na imbestigasyon.
Samantala, kinilala rin ng Australian Federal Police Commissioner ang mabilis na pagtugon at epektibong pakikipag-tulungan ng mga awtoridad ng Pilipinas.
Binigyang diin din niya ang pagtutulungan ng Australian Federal Police at Philippine National Police sa loob na ng maraming dekada para labanan ang terorismo.











