-- Advertisements --

Nagbabala ang Russia sa Amerika na magdudulot ng mas malalang digmaan ang ginagawang pagtulog nito sa Ukraine sa pamamagitan ng pagpapadala ng maraming mga armas.

Sa isang pahayag ay hiniling ni Russian ambassador to the United States Anatoly Antonov na wakasan na ng Estados Unidos ang kanilang ginagawang pagbubuhos ng mga sandata sa Ukraine dahil sa hindi raw ito katanggap-tanggap.

Anila, ang ginagawa daw na malalaking Western deliveries sa Ukraine ay layuning pahinain ang Russia ngunit hindi daw nila alam na mas pinapalala pa ang sitwasyon at pinapahina ang pagsisikap ng mga ito na makamit ang isang uri ng kasunduan para sa kapayapaan.

Samantala, nitong nakalipas na araw ay bumisita naman si US Secretary of State Antony Blinken and Secretary of Defense Lloyd Austin sa Kyiv upang sabihin kay Ukranian President Volodymyr Zelensky na nagpaabot pa ng karagdagang $322 million ang Amerika bilang dagdag na tulong sa mga sundalo ng nasabing bansa.

Magugunita na una rito ay nangako si US President Joe Biden na magpapadala pa ito ng mas maraming mga armas sa Ukraine na may katumbas na halagang $800 million upang tulungan at suportahan ang matatapang na Ukrainian soldiers sa kanilang pakikipagsagupaan sa tropa ng Russia.

Sinabi rin ni Biden na hihiling siya ng karagdang pera sa Kongreso upang mas palakasin pa ang suporta sa Ukrainian military.