-- Advertisements --
Ibinunyag ni Russian President Vladimir Putin na naglagay na sil ang security buffer zone sa border nila ng Ukraine.
Sinabi nito na kaniyang inatasan ang mga sundalo nito na gumawa ng buffer zone para agad na maharang ang anumang pag-atake sa kanila.
Nagpahayag naman ng hindi pagsang-ayon si Ukrainian foreign ministry spokesperson Heorhii Tykhyi sa itinayong buffer zone dahil nagpapakita lamang na walang balak ang Russia na tumugon sa isinusulong nilang usaping pangkapayapaan.
Ang nasabing anunsiyo na ito ng Russia ay isinagawa isang araw bago ang inaasahang prisoner exchange sa pagitan ng Urkraine at Russia.
Magugunitang makailang ulit na nagsagawa ng pag-atake ang Ukraine sa border nila ng Russia sa mahigit na tatlong taon na giyera.