Kinumpirma ni Department of National Defense (DND) Senior Undersecretary Jose Faustino Jr na kanila ng kinakausap ngayon ang Russia kaugnay sa tuluyang pagkansela sa P12.7 Billion MI-17 helicopters sa Russia.
Ayon kay USec Faustino partikular na kinakausap ngayon ang mismong aircraft manufacturer ang Sovtechnoexport para ifinalize na ang cancellation ng helicopter deal ng Philippine government.
Ito’y matapos ihayag mismo ni Pang. Bongbong Marcos na hindi na matutuloy ang planong pagbili ng 16 na Mi-17 military heavy-lift helicopters at ongoing na ang pag-uusap para iterminate na ang nasabing deal.
Ayon kay Faustino ang Mutual Consultation Board, ang siyang nakikipag ugnayan ngayon sa mga kinatawan ng Sovtechnoexport para sa gagawinh project termination at nasa proseso sa reactivation and reconstitution.
Siniguro naman ni Faustino na kanilang bibigyan ng update ang Russian embassy dito sa Manila kaugnay sa isinagawang pag-uusap.
Kinumpirma din ng DND na hindi pa pormal na notified ang Russia sa desisyon nito na kanselahin ang deal.
Sa katunayan nagpapatuloy ang pag manufacture ng mga helicopter dahil sa advance payment na ibinigay ng Phil govt.
Sa kabilang dako, inatasan na rin ni USec Faustino ang AFP na gumawa ng priority list para sa allocation na US$100 million o katumbas ng PHP5.8 billion halaga na military aid o tulong na ibinigay ng United States.
Una ng inihayag ni US Ambassador to the Philippines MaryKay Loss Carlson ay maaring gamitin para sa nakanselang Mi-17 heavy lift helicopter deal.