-- Advertisements --

Sinagip ng mga rescuers ang mga residenteng na-trap sa kanilang tahanan sa Sitio Lagundian, Barangay Balansay, Mamburao, Occidental Mindoro, sa kasagsagan ng abot-bewang na baha.

Dahan-dahang tinutulak ng mga responders ang ginamit na rescue boat upang ligtas na makarating sa lugar kung saan mababa ang tubig-baha.

Gumamit din sila ng lubid sa ilang area upang makatawid ang rescuers at magsilbi na rin itong dagdag na safety support facilities para sa mga sinasaklolohan.

Sa mga oras na ito, tuluy-tuloy ang koordinasyon ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), Municipal  Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Mamburao, at 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC) tungo sa sa kaligtasan ng mga residente.