-- Advertisements --
Patay ang walong katao matapos ang naganap na banggaan ng truck at dalawang pampasaherong van sa Aurora, Isabela.
Base sa inisyal na imbestigasyon na patungo Santiago City, Isabela ang truck ng inagaw nito ang linya ng isang van nitong umaga ng Sabado.
Sumalpok din ang van sa kaparehas na van na kasunod nito.
Ang walong nasawi kasama ang driver nto ay mula sa ikalawang van habang dalawa naman ang sugatan at isa ang comatose sa insidente.
Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad ukol sa nasabing insidente.