-- Advertisements --

Inalmahan ng Russia ang plano ng European Union na ipautang sa Ukraine ang mga assets ng Moscow na kanilang na-freeze.

Aabot sa 210 bilyon Euros o katumbas ng mahigit P15-trilion ang nasabing pero.

Karamihan sa pera ay nasa Belgian bank na Euroclear kung saan gagamitin ito para sa military upgrade ng Ukraine.

Sa halos na apat na taong giyera ay nauubusan na ng cash ang Ukraine kaya nangangailanga ito ng nasa 135 bilyon euros o katumbas ng mahigit P9 trilion sa susunod na dalawang taon.

Dahil dito ay inakusahan ng Russia ang European Union ng pagnanakaw.

Plano ng Russian Central Bank na kasuhan ang Belgian bank Euroclear dahil sa nasabing plano.

Magugunitang nagkasundo ang EU at Ukraine na gamitin ang pera para sa pagtatayo ng mga nasirang gusali dahil sa malawakang pag-atake ng Russia.