Inaaral na ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ang posibleng pagtaas ng minimum wage ng mga kasambahay sa Metro Manila.
Kasabay nito ay hinikayat ng naturang opisina ang mga domestic worker sa kamaynilaan na makibahagi sa mga isinasagawang survey na isa sa mga magsisilbing batayan para sa wage increase.
Noong Enero ng kasalukuyang taon, itinaas sa P7,000 ang buwanang sahod ng mga kasambahay dito sa Metro Manila.
Ang panibangong pag-aaral ay upang i-akma ang kaniyang natatanggap na sahod sa kasalukuyang paggalaw ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa capital region.
Sa kasalukuyan, wala pang inilalabas na takdang araw kung kailan posibleng magkaroon ng desisyon ang naturang opisina.
Maliban sa survey, kadalasan ding nagsasagawa ng ilang serye ng konsultasyon at diyalogo ang RTWPB, kasama ang mga kasambahay, mga emloyer, atbpa.
Ang panibagong hakbang ay salig sa nilalaman ng Kasambahay Law, ang batas na pangunahing nagbibigay proteksyon sa mga domestic worker sa bansa.














