Nagsimula ng tumanggap ng dagdag na bayad sa kanilang arawang sahod ang mga minimum wage earners at kasambahay sa Ilocos at Western Visayas.
Ayon sa National Wages and Productivity Commission na inaprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPB) na nagsimula ang nasabing petisyon.
Sa Western Visayas na ang arawang minimum wage ng mga manggagawa sa non-agricultural,industrial at commercial sectors na may empleyado ng mahigit 10 manggagawa ay magiging P550 na.
Habang ang may empleyado ng hindi lalagpas sa 10 ay magiging P525 sa kada araw at sa agricultural sector naman ay magiging P520 kada araw.
Ang mga kasambahay ay magiging P6,500 kada araw.
Sa Ilocos Region naman ay magigin P505 ang arawang sahod ng mga manggagawa ng non-agricultural sektor na may emplyedo ng mahigit 10 katao habang ang hindi aabot sa 10 katao ay magiging P480 kada araw.
Ang minimum na pasahod para sa kasambahay ay magiging P6,700.
Tuloy-tuloy naman ang ginagawang pagsasagawa ng pagdinig sa ilang mga labor groups para sa planong pagtaas ng sahod.















