Posibleng mabili sa halagang $630,000 sa auction ang kauna-unahang basketball jersey na isinuot ni LeBron James sa unang laro nito.
Ayon sa Goldin Auctions, ang jersey ay sinuot ni James sa 5th at 8th games noong rookie season niya sa Cleveland Cavaliers.
Unang panalo ng Cavs laban sa Indiana Pacers noong Nobyembre 7, 2003 kung saan nakapagtala ito ng 23 points habang ang ikalawang laro na suot nito ang jersey ay noong Nobyembre 12, 2003 laban sa kaibigan nitong si Dwyane Wade ng Miami Heat.
Sa nasabing mga laro ay 18-anyos pa lamang ang NBA star.
Na-certify na ito na legit ng Resolution Photomatching na posibleng tumaas pa ang presyo nito.
Sinabi pa ni Ken Goldin na mabenta sa auction ang mga memorabilia ni James.
Nabili kasi sa auction sa halagang $900,000 ang James card nitong taon lamang.
Mabibili ang nasabing jersey sa auction sa darating na Mayo 16.