-- Advertisements --

Nagpahiwatig si Los Angeles Lakers star LeBron James ng kaniyang pagbabalik sa paglalaro dahil sa injury.

Mula kasi noong nagsimula ang bagong season ng NBA nitong Oktubre ay hindi pa siya naglalaro dahil sa sciatica isang pananakit sa lower-body nerve ng kaniyang kanang bahagi ng katawan.

Ayon kay Lakers coachJJ Redick na sinimulan na ni James ang pag-ensayo kasama ang South Bay Laker na siyang developmental team ng Lakers.

Dagdag pa ni Redick na ito ang unang ensayo ni James mula noong ito ay magtamo ng injury.

Isasailalim muna siya ng pagsusuri ng kanilang doktor para mabigyan ng clearance kung ito ay puwede ng maglaro sa Lakers.

Ngayong taon ay siyang pang-23 NBA Season ng 40-anyos na si James.