-- Advertisements --

Nakabalik na sa Florida kung saan ginaganap ang NBA games si Los Angeles Lakers point guard Rajon Rondo.

Kasunod ito ng pagtatapos ng ilang araw niyang quarantine matapos na lumabas sa bubble game sa Orlando.

Sumailalim kasi ang 34-anyos na si Rondo sa operasyon ng kaniyang kanang hinlalaki matapos na ito ay ma-injury.

Nakuha nito ang injury sa ikalawang workout ng koponan noong Hulyo.

Inaasahan naman ng koponan na aabot pa sa hanggang walong linggo bago tuluyang gumaling si Rondo.