Nakakabahala ang pahayag ni Vice President Sara Duterte na may “bending the law” sa impeachment proceedings dahil maaari itong magdulot ng pagdududa sa integridad ng proseso at ng Impeachment Court.
Ayon kay House Prosecution counsel Atty Benjamin Tolosa, ang ganitong akusasyon ay tila nagpapahiwatig na may mga paglabag sa batas na pinapayagan umano ng Senado at ng presiding officer, kahit wala naman itong malinaw na batayan.
Binigyang diin ni Tolosa na maayos at patas na pinangangasiwaan ng presiding officer ang paglilitis, bagay na kinilala rin umano ng kampo ng depensa sa mga naunang pahayag.
Aniya, nasa pagpapasya na ng presiding officer kung paano titingnan ang pahayag ni Duterte at kung ito ba ay maituturing na pag-atake sa integridad ng impeachment process.
















