-- Advertisements --

Sinuspinde ng Palasyo Malacañang ang pasok sa mga tanggapan ng pamahalaan at klase sa lahat ng antas sa Metro Manila at 22 lalawigan sa Luzon ngayong Huwebes, Agosto 6, dahil sa inaasahang malalakas na pag-ulan dulot ng Tropical Storm Maymay at pinalakas na Habagat.

Bukod sa Metro Manila, saklaw ng suspensyon ang mga lalawigan ng:

  • Abra
  • Apayao
  • Bataan
  • Batangas
  • Benguet
  • Bulacan
  • Cavite
  • Ifugao
  • Ilocos Norte
  • Ilocos Sur
  • Kalinga
  • La Union
  • Laguna
  • Mountain Province
  • Nueva Ecija
  • Nueva Vizcaya
  • Occidental Mindoro
  • Pampanga
  • Pangasinan
  • Rizal
  • Tarlac
  • Zambales
Screengrab from Malacañang.

Ayon sa Malacañang, maaari ring magdeklara ng suspensyon ng klase at trabaho ang mga lokal na pamahalaan sa mga lugar na hindi saklaw ng direktiba, alinsunod sa umiiral na batas at mga regulasyon.

Sa ilalim ng Memorandum Circular No. 122, pinayuhan namang magpatuloy sa operasyon ang mga ahensyang naghahatid ng pangunahing serbisyo, kabilang ang mga nasa sektor ng health services, disaster response, at iba pang mahahalagang serbisyo upang matiyak ang agarang pagtugon sa pangangailangan ng publiko habang nararamdaman ang sama ng panahon.