-- Advertisements --
Target ng Houston Rockets na maitabla sa 2-2 ang Western Conference playoffs semifinals nila ng Los Angeles Lakers.
Ito ay kahit na itinuturing sila na underdog sa nasabing laban matapos na makuha ng Lakers ang dalawang sunod na panalo at naitala ang 2-1 na kalamangan sa serye.
Ilan pang hamon ngayon sa Rockets ang dami ng bilang mga manlalaro nila na hindi makakapaglaro ngayong game 4.
Kinabibilangan ito nina Thabo Sefolosha, Danuel House at Robert Covington.
Habang kuwestiyonable naman kung makakapaglaro ba si Dion Waiters ang shooting guard ng Lakers.