-- Advertisements --
Binuksan ng Rio de Janeiro ang pagpapasinayan sa pagsindi ng 80-metro na Christmas tree sa Botafogo beach noong Linggo para sa libu-libong manonood.
Ang Christmas tree, na katumbas ng isang 30-palapag na gusali, ay may 2.3 milyong LED lights na bumubuo ng makukulay na kombinasyon at pattern, kabilang ang mga simbolo ng araw, dagat, at likas na kagandahan ng lungsod.
Kasabay ng seremonya, ipinakita rin ang water ballet performance kada kalahating oras, na pinagsama ang ilaw, special effects, at gumagalaw na synchronize na tubig ng dagat.
Naging bagong atraksyon ng lungsod ang higanteng Christmas tree, na matatagpuan sa prominenteng bahagi ng Guanabara Bay.















