Aabot sa 64 katao ang nasawi sa malawakang anti-crime drive ng kapulisan sa Rio de Janeiro sa Brazil.
Kabilang sa nasawi ang apat na kapulisan matapos na manlaban ang ilang mga suspek.
Target ng otoridad na masawata ang paglaganap ng krimen ng Comando Vermelho criminal group.
Umabot ng isang taon bago naisakatuparan ang operasyon na kinabibilangan ng 2,500 military at civilian police personnel.
Ang Comando Vermelho (CV) ay siyang pinakamatandang criminal organization sa Brazil.
Mayroong 81 katao rin ang naaresto ng mga otoridad kung saan gumamit pa ng drone ang mga ito para labanan ang kapulisan.
Hinikayat ni Rio de Janeiro State Governor Cláudio Castro ang mga residente na manatili muna sa kanilang kabahayan hanggang patuloy ang pagsuyod ng otoridad sa lugar kung saan nagtatago ang mga gang members.
















