Patay ang isang lalaki matapos na kainin ng lion sa Kruger National Park sa South Africa.

Hinihinalang isang rhino poacher ang biktima na unang pinatay ng isang elepante bago ito tuluyang kainin ng leon.

Base sa imbesigasyon, iligal na pumasok ang biktima kasama ang apat na iba pa kung saan target nila ang mga rhino.

Tanging bungo at pantalon lamang ang nakita ng mga rumespondeng kapulisan sa lugar.

Nagbabala ang managing executive ng Kruger National Park na si Glenn Phillips na lubhang delikado ang iligal na pagpasok sa kanilang park.