-- Advertisements --
Aabot sa 120 na mga bata ang dinukot ng mga jihadist insurgents sa northern Mozambique.
Ayon sa Human Rights Watch (HRW) na tumataas ang kaso ng pagdukot sa lugar ng Cabo Delgado province.
Ginagamit ang mga bata ng mga islamic State-linked group o kilala bilang al-Shabab para magdala ng mga ninakaw na mga gamit, sapilitang pagtatrabaho, ginagawang sundalo at minsan ay sapilitang pagpapakasal.
Mula pa noong 2017 ay patuloy ang pakikpaglaban ng Cabo Delgado sa mga islamist insurgency.
Dahil sa insidente ay lumikas na ang mga mahigit 600,000 na residente ng nasabing lugar.