-- Advertisements --

Itinuturing ng World Health Organization (WHO) na isa sa pinakamatinding kaso ng Ebola sa kasaysayan ng Democratic Republic of Congo.

Base sa pagtaya ng WHO, na mayroong 3,605 na kaso ng Ebola sa nasabing bansa.

Umabot na rin sa 1,587 na ang nasawi kung saan mayroong fatality rate na 44 percent.

Ang kasalukuyang outbreak ay dahil sa Bundibugyo strain na uri ng virus.

Ito ay unang naideklara noong Mayo 15, 2026 at nahigitan ang pinakamalaking outbreak sa pagitan ng 2018 at 2020 na mayroong 3,500 na kaso at 2,300 ang nasawi.

Sa kasalukuyan ay wala pang naaprubahan na bakuna o gamot para sa Bundibugyo strain pero gumagawa na ng bagong bakuna ang Singapore at United Kingdom.

Ang ebola ay kumakalat sa pamamagitan ng contact sa bodily fluids kung saan kumitil na ito ng mahigit 15,000 katao sa buong Africa sa loob ng halos 50 taon.